Aldrin Villanueva
Presidente, Lapian ng mga Mangingisda sa Batuhan (LAMBAT)
“Noong lumubog ang barko, akala namin ay isang normal lang na paglubog. Akwatro nakita naming dumagsa na ang langis. Mismong dito, pinaagapan na sa amin ng aming punong bayan. Wala pa ang coast guard noon, temporary naming nilagyan ng temporary oil spill boom na kawayan at palapa ng niyog. Kahit papaano, para may mapigil at hindi maapektuhan agad ang mga mangrove, dahil makapal ang mga bakawan diyan sa amin Noong una pa, talagang mano-mano kami – may maliliit na bangka ang aming mga kasama – mano-mano kami diyan na sinasalok ang langis dahil ang kapal na. Ang klase ng bunker fuel talaga ay malapot siya. Hindi siya normal na langis, makapal talaga. Ilang araw kaming ganoon. Naalarma ang DOH dito sa province namin, at tinawagan ang municipal center namin na ipatigil muna pansamantala. Ang mga volunteer, kailangan ma-checkup muna dahil baka may asthma ka, baka may allergy ka. Basta ang mga pumasa sa medical, mga volunteer na kami – naka-bota na, naka-gloves na, may PPE na May kaunting ipon ang mga mangingisda dito. Pero ang problema nga ay sa haba ng panahon, syempre nauubos dahil may mga college din kami, maraming bayarin, gastusin. Saglit lang ay naubos na ang kaunting ipon Noong una ay akala naming ay simpleng paglubog, simpleng langis lang, pero noong March 4, doon nagsimula ang state of calamity na bawal na mangisda. Talagang ang hirap. Hindi mo mawari ang isip ng mga tao dahil may mga may pinapag-college sa mga malalayo. Kaya ang hirap ng sitwasyon naming ng panahon ng oil spill Hanggang ngayon ay marami pa ring hindi nakasweldo sa cash-for-work. Pero ilang buwan naming pinaglaban yun, pero nawala na, hinayaan na lang namin. Natatakpan ng maliliit na ayuda, nalubag na ang kaisipan at pakiramdam ng mga tao. Nawawala na yung usapin, hanggang sa nawala na.”
Photo by: Jilson Tiu for Protect VIP / CEED