top of page

Isang Taon ng Oil Spill: Kwento ni Reyge

Reyge Anigan, 41

Brgy Misong, Sitio Lambanog


Isang mangingisda na anim na buwang naglinis ng langis nang magkaroon ng oil spill sa Oriental Mindoro. Siya ay taga-Barangay Misong kung saan matatagpuan ang Song of the Sea Marine Protected Area, ang may pinakamataas na lebel ng oil and grease sa pangatlong water quality testing ng CEED - Center for Energy, Ecology and Development.





“Naka-PPE kami at nagpupunas ng mga langis sa batuhan. Marami kami, mga nasa trenta katao at kasama ang Coast Guard. Hanggang tanghali kami naglilinis. Nakakahilo ang amoy ng langis kaya kami naka-face mask at PPE. Nasa anim na buwan din namin na ginawa yun at lingguhan ang sahod namin. Bago sila magbukas ng dagat, matagal kaming walang trabaho, ilang buwan din. Nabigyan lang kami ng mga ayuda, mga food pack. Noong hindi pa nakakapangisda, nasa bukid lang at nagtatamin. Ngayon nakakapangisda na kami pero hindi pare-parehas. Dati ay mga bente kilo ang aming huli, pinakamarami ang singkwenta kilo. Mga lagidlid, galunggong, tulingan. Sa isang araw ay mga dalawang libo. Pinakamalaki ay pitong libo sa isang araw. Ngayon ay mahina na lang - buwan na bago kumita nang ganon. Ngayon, mga isang libo na lang sa isang araw.”

Photo by: Jilson Tiu for Protect VIP / CEED

2 views

Comments


bottom of page